Mac Cabreros

Mar 9, 2011

Problema sa basura, disiplina sa sarili ang kailangan

Ang maayos na management mula sa kabahayan, sa lokalidad, hanggang sa landfill, ang pinakamabisang solusyon sa ga-bundok na problema sa basura.

Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, nagkaisang ipinahayag ng National Solid Waste Management at EcoWaste Coalition, na disiplina sa sarili at political will ng local government units at national government, ang solusyon sa problema sa basura.

“Kung sundin ang mamamayan ang maayos na waste management gaya ng segregation o ang reduce, reuse, recycle at maayos na i-manage ng LGUs at national government, mareresolba natin ang problema,” pahayag ng dalawang grupo.

Nabatid na abot sa 35,000 metriko tonelada, saan 4,000 metriko tonelada mula sa National Capital Region, ang nalilikhang basura kada araw sa buong bansa.

Idinagdag ng NSWM at EcoWaste na kailangan ding ipatupad ang mga batas gaya ng Republic Act 9303 gayundin ang mga ordinansa hinggil sa pagtatapon ng basura.

“Disiplina sa sarili at pagkakaisa ng lahat na mamamayan ang susi para maresolba ang problema,” pagtatapos ng NSWM at EcoWaste. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.