MAC CABREROS

Posted by Batas Internet Media on Monday, March 14, 2011 Under: Mac Cabreros

Mac Cabreros

Mar 9, 2011

Guro, i-expose sa kalakaran sa industriya

          Upang magkaroon ng sapat na kaalaman, isusulong ng Department of Education (DepEd) ang pag-expose ang mga technical at vocational teachers sa kalakaran sa iba’t ibang industriya sa sunod na linggo.

          “Benchmarking Exercise with Industry Exposure aims to equip the participants with the appropriate skills and competencies needed for them to carry out critical tasks related to the Strengthened Technical and Vocational Education Program or (STVEP) of the government,” pahayag ni Education Secretary Armin Luistro.

          “It will also provides them with viable opportunities for generating and sharing of ideas and best practices of some undertaken by some model vocational schools, leading industries and other technical-vocational institutions in the country,” dugtong ni Luistro.

          Binigyan-diin ni Luistro na gagamitin ang kaalamang natutunan sa naturang exercise ngayong Marso 16 hanggang 19 sa pagtuturo ng tech-voc sa kanilang paaralan.

          Nabatid na ang STVEP ay bahagi ng programa ng DepEd para mahubog nang husto ang talino at talento ng mga istudyante para maging matatag ang kinabukasan ng mga ito dahil maaring makapasok ng trabaho o makapagsimula ng ikakabuhay ang magsipagtapos ng high school. Mac Cabreros


(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.

In : Mac Cabreros 



This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola