Mac Cabreros

Marso 9, 2011

Summertipid time na

          Upang hindi mapabigatan sa bayad sa konsumo ng kuryente, hinikayat ng Manila Electric Company (Meralco) sa publiko na gumawa ng karampatang hakbang upang makatipid.

          Ayon sa pamunuan ng Meralco, nakabubuting sundin ang ilang tipid tips ngayong summer, kung saan madalas tumataas ang konsumo sa kuryente.

          “We advise our customers to prepare for the upcoming summer months where consumption tends to shoot up," pahayag ng Meralco. “Some appliances work doubly hard in warm weather conditions [and] more members of the household use electricity during the summer vacation break," dugtong nito.

          Nauna rito, upang mahimasmasan ang pag-init ng ulo ng ating kababayan sa gitna ng nagtataasang presyo ng mga bilihin, langis at iba pang pangangailangan, inihayag ng Meralco na kanilang ibababa ang singil sa kuryente ngayong buwan.

          Ayon sa Meralco, ginawa ang hakbang dahil bumaba sa P0.02 kada kilowatthour (kWh) ang generation charge bunga ng pagbulusok pababa ang halaga ng kuryenteng binili sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM kung saan natapyasan ng P1.23 kada kWh at P0.17 kada kWh ang nabawas sa nabili sa independent power producers o IPP.

          Idinagdag ng Meralco na lumiit din ang kanilang transimission at system loss charge sa halagang P0.04 kada kWH at P0.01 kada kWh, ayon sa pagkakasunod.

Binanggit ng pinakamalaking power distributor sa bansa na ang pagbaba sa generation charge ay napangibabawawan ang P0.55 kada kWh na itinaas sa halaga ng kuryenteng nabili sa National Power Corporation (Napocor). Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.