Mac Cabreros

Mar 10, 2011

Ang entablado ay di sa pulitiko – DepEd

          Kasabay ng muling pagpapaalaala sa magulang, istudyante at school officials na gawing simple ang seremonya ng pagtatapos, inihayag ng Department of Education (DepEd) na off limits sa mga pulitiko ang entablado.

          Ayon sa DepEd, hindi nararapat na gawing pedestal para mamulitika ang entablado.

          “Iwasan po nating magamit ang entablado ng pagtatapos para maisulong ang layuning pulitika,” giit ni Education Secretary Armin Luistro.

          “Ang pagtatapos ay makabuluhan kahit walang magarbong selebrasyon,” dugtong ni Sec. Luistro.

          Maging ang Commission on Higher Education (CHEd) ay hiniling sa mga kinauukulan na iwasang idaos ang pagtatapos sa magarbong lugar.

          “Bagamat may karapatan tayong lahat na gawin ang gusto, nakabubuti naman kung gawin nating simple ang seremonya ng pagtatapos,” pahayag ni Atty. Julito Vitriolo, executive director ng CHEd. Mac Cabreros






(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.