Mac Cabreros

Mar 12, 2011

Apela ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan

          Hiniling ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa mga residente sa Barangay Corazon de Jesus na magkusa nang lisanin ang kanilang bahay.

          Sa apela nina Mayor Guia Gomez at Rep. JV Ejercito, hinimok nila ang mga residenteng maapektuhan sa proyekto na tanggapin na ang pagkakataon na mailipat sa relokasyong nakalaan sa kanila sa Rodriguez, Rizal.

          Nabatid na abot sa 200 pamilya ang maapektuhan sa proyektong pagpapatayo sa bagong gusali ng Pamahalaang Lungsod.

          Inaanyayahan din nina Mayor Gomez at Rep. Ejercito ang mga apektadong residente na dumalo sa isang dayalogo ngayong Martes (Marso 15) para plantsahin ang lahat na hakbangin.

          Ito ay para maiwasan ang anumang kaguluhan at karahasan tulad sa naganap na demolisyon noong Enero 25. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.