MAC CABREROS

Posted by Batas Internet Media on Monday, March 14, 2011 Under: Mac Cabreros

Mac Cabreros

Mar 12, 2011

Head Nurse kuno, arestado

          Isang lalaki na nagpanggap na head nurse sa isang malaking ospital sa London ang naaresto matapos idawit sa illegal recruitment ng dalawang bibiktimahin sana nito sa Mandaluyong City umaga ng Biyernes.

          Mangangailangan ngayon ng malaking halagang pampiyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Edcel Alvarez, 34, binata, taga=No. 52 Camia Street, Malolos, Bulacan.

          Batay sa salaysay nina Richard Marcial, 24, binata, isang nurse at resident eng Norzagaray, Bulacan at Rex Sambilay, 26, family driver at nakatira sa Calumpit, Bulacan, nagkita sila ni Alvarez sa MRT Station sa EDSA-Shaw Boulevard at hiningan ng tig-P4,500 para sa medical examination ng mga ito para sa pagtatrabaho sa London.

          Pagkatanggap ni Alvarez ang pera ay pumasok sa Shanri La shopping mall at pinaghintay ang dalawa para ayusin ang medical examination sa Healthway Medical Center. Pagkaraan ng ilang oras at hindi pa bumabalik ang dalawa ay naghinala ang dalawa kaya’t humingi sila ng tulong sa guwardiyang si Ignacio Gamal ng Shields Security Agency at naaresto si Alvarez bago pa mang makalabas ng mall. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.



In : Mac Cabreros 



This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola