Mac Cabreros

Mar 13, 2011

Sigaw ng pamilya ng rape-slay: Ibalik ang bitay

Kung ang pamilya ng biktima ng rape-slay sa San Juan City ang masusunod, nais nilang maibalik ang parusang bitay.

Ayon sa pamilya ni Sheena Mae Robles, dapat bitayin ang nanggahasa at pumatay sa dalagita na sina Peter Jucarica, 30, tricycle drier at Jeffrey Election, 36, barker.

“Mga hayop sila at walang karapatan na mabuhay sa mundo. Dapat sa kanila ay bitayin” magkahalong galit at lungkot na tumatangis na pahayag ni Ginang Miriam Robles, ina ni Sheena.

Noong hapon ng Biyerns ay inihatid na sa kanyang huling hantungan sa Hulo Cementery sa Mandaluyong City si Robles.

Magugunitang natagpuang duguan at walang pang-ibabang suot ang biktima sa bakanteng lote sa  F. Blumentrit St., Brgy. Kabayanan, San Juan City noong Marso 6.

Si Election ang nagsabi na nakita niya ang biktima na sakay sa tricycle ni Jucarica. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.