Mac Cabreros

Mar. 13, 2011

Pagbitay kay Flor Contemplacion, gugunitain

          Isang malawakang pagkilos ang isasagawa ng Migrante International ngayong Marso 17 bilang paggunita sa pagbitay kay Flor Contemplacion noong 1995.

          Ayon Migrante International, tinawag nilang “OFW Day of Rage” ang Marso 17 upang maiparating sa gobyerno ang karaingan at kahilingan ng ating kababayang manggagawa sa ibang bansa lalo sa nababalot ng tensyon bunsod ng kaguluhan at karahasan gaya sa Libya at iba pang bansa sa Middle East.

          “Migrante’s chapters nationwide and abroad are preparing for a ‘Day of Rage ‘ against state abandonment of OFWs in the form of internationally-coordinated protests on March 17, death anniversary of Filipina domestic worker Flor Contemplacion,” pabatid ng Migrante.

Ang pagbitay kay Contemplacion dahil sa bintang na pagpatay sa kababayang si Delia Maga at alagang batang si Nicholas Huang na natagpuang nalunod noong Mayo 4, 1991, ay lumikha ng malakas na boses ng pagkondena.  Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.