Mac Cabreros

Mar 16, 2011

Japan, lulubog

          Kung si Danny Atienza, isang psychic at tinaguriang Nostradamus ng Asia, ang paniniwalaan, lulubog ang bansang Japan.

          Sa ginanap na Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, sinabi ni Atienza na mabubura sa mapa ang naturang bansa.

          Ginawa ni Atienza ang prediksyon matapos na yugyogin ng 8.9 magnitude na lindol at sinundan ng dambuhalang tsunami noong Marso 11, saan malaki ang pinsalang idinulot.

          “Lulubog ang Japan at lilitaw naman ang lost continent na Atlantis,” pahayag ni Atienza.

          Inihayag pa nito na walang dapat na ipangamba ng ating kababayan dahil walang magaganap na malakas na lindol sa bansa.

          Hinggil kay Pangulong Benigno Aquino III, sinabi ni Atienza na walang magiging problema. Aniya, natural lamang sa isang tao na magkaroon ng sakit ng ulo.

          Sa nalalapit na laban ni Manny Pacquiao, sinabi ni Atienza na magaang mapapanalunan ang laban kay Shane Mosley.

          “Tagilid siya kay Mayweather,” dugtong nito.

          Aniya pa, may babaeng senador ang maaksidente habang isang lalakeng senador ang aatakehin sa puso dahil sa tinding galit.

          Magkakaroon din ng pagkakaisa ng sambayanan sa huling bahagi ng taon, pahayag pa nito. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.