Mac Cabreros

Mar 16, 2011

Marikina City, naghanda sa paggalaw ng Marikina fault

          Sa layuning maibsan ang epekto ng paglindol sa sandaling gumalaw ang Marikina fault, nagsagawa ng earthquake drill ang mga taga-Marikina City noong Miyerkoles.

          Ayon kay Mayor Del de Guzman, dahilan sa walang makapagsabi kung kelan magkakaroon ng paglindol, isinagawa nila ang drill upang magkaroon ng awareness ang mga taga-Marikina.

          Binanggit ni Mayor De Guzman na tuluy-tuloy ang isasagawang pag-inspeksyon ng City Engineering office na pinamumunuan ni Engr. Edgar Villafuente para mabatid ang mga gusaling marurupok upang malapatan ng karampatang hakbang.

          Bukod sa pammahagi ng polyetos na naglalahad ng mga nararapat na gawin kapag lumindol, kikilos din ang mga local government units upang tukuyin ang mga lugar na masasabing mapanganib gaya ng pagkakaroon ng landslide.

          Pinayuhan din ni Mayor De Guzman ang publiko na tiyaking may safety at first aid kit sa kanilang bahay para may magamit kapag tumama ang sakuna, hindi lamang ng lindol kundi maging sa iba pang natural na kalamidad. Mac Cabreros





(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.