Mac Cabreros

Mar 18, 2011

9 na guro sa Rizal, pinarangalanan

          Bilang pilang pagkilala sa kabayanihan o pagpapakasakit  at dedikasyon sa pagtuturo, binigyan ng parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ang siyam na guro.

Iginawad sa 18th Guronasyon rites sa Ynares Center ni Rizal Governor Casimiro “Jun” Ynares III, dating Congressman Gilberto Duavit at apat na Kinatawan ng Rizal, ang parangal kina Dr. Susanna Abiog bilang outstanding elementary school principal; Pelagia Alano, technical-vocational trainer; Marcial Elecho ng alternative learning system; Ragaam dela Cruz, non-teaching personnel; Dr. Virgie Callo Etis, higher education faculty at Dr. Paraluman Giron, special educator award.

Myrna Labog, outstanding intermediate teacher; Lito Palomar, outstanding secondary school teacher; Dr. Teresita Paredes, outstanding education program supervisor; at
Gloria Roque, outstanding secondary school principal.

“Ang Guronasyon sa kanyang ika-18 na taon ay patuloy ang pagkilala sa mga natatanging indibidwal mula sa akademya. Ang ating pamahalaang panlalawigan, kasama ang mga magulang at libo-libong mga estudyante ay nagpupugay sa kanila dahil sa nagawa nilang ambag sa sektor ng edukasyon,” pahayag ni Gov. Ynares. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.