Mac Cabreros

Mar 20, 2011

Summer class sa kinder, pinasimulan

          Upang maitaguyod ang universal kindergarten ngayong schoolyear, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) ang summer class ng mga batang hindi pa dumaan sa kinder.

          Ayon kay Undersecretary for Plans and Programs Yolanda Quijano, batay sa DepEd Order No. 23 na ipinalabas ni Education Secretary Armin Luistro, papasimulan ang walong linggong Kinder Summer Program o KSP sa Abril 11 at magtatagal hanggang 3.

          “Kailangan nating masiguro na dumaan sa kinder ang lahat na batang nasa edad 5 upang matiyak ang kahandaan ng mga bata sa pag-aaral,” pahayag ni Usec. Quijano.

Binanggit nito na batay sa resulta ng pag-aaral, mas madalas na tumitigil sa pag-aaral sa Grade 1 hanggang Grade 3 ang batang hindi nagkinder.

          Ang universal kindergarten ay bahagi ng isinusulong na K+12 program, saan layunin nito na mapataas ang antas ng edukasyon sa bansa at makaangkop sa international standard.

          Nabatid na maaring makapagtrabaho o makapagsimula ng ikakabuhay ang nagtapos ng senior high school sa ilalim ng K+12.

          Napag-alaman na matindi ang pagtutol ng ilang sector lalo sa mga magulang dahil dagdag gastos ito sa kanila habang dagdag oras na pagtatrabaho naman ang dahilan ng mga guro habang dagdag pasakit sa mga istudyante.

          Ngunit iginiit ng DepEd na hindi dagdag kundi bawas pa ito ng dalawang taon at malaking katipiran ang nasabing programa. Mac Cabreros





(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.