Patakaran sa pagkakaloob ng lisensya, pinalawak

          Pinalawak ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang patakaran at panuntunan sa pagkakaloob ng lisensya ng mga retail electricity supplier o RES.

          Sa pinagtibay na resolusyon No. 1 series ng 2011, isinama sa inamendahang patakaran at panuntunan ang pagpapakita ang kakayahang teknikal at pinansyal gayundin ang creditworthness ng mgaRES.

          “The ERC is ensuring that the rules required for a fair and competitive retail electricity market are in place so that a smooth transition to a regime of open access and retail competition happens,” pahayag ni ERC Chairperson Zenaida G. Cruz-Ducut.

          Binanggit nito na idinagdag ang pagtatakda na magtatagal ng limang taon ang lisensya, ibabatay sa kabuuang halaga na ipinuhunan ang sisingiling bayad sa lisensya at kung ang RES ay may dalawa o higit pang negosyo, ibabase ang bayad sa business separation unbundling plant o BSUP, may 30 araw na abiso sa ERC ng distribution utility na may planong magpatakbo ng lokal RES at dapat magpakita ng kapasidad pinansyal kapag ang aplikante ay bago at kaalyado ng ibang kompanya.

          Ipinabatid ng ERC na nabuo ang nasabing bagong patarakan at panuntunan matapos na makuha ang pananaw at posisyon ng nasa industry at maging ang mga konsyumer. Mac Cabreros





(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.