Mac Cabreros

Marso 2, 2011

DoE: Di kailangan ang emergency power

          Inihayag ng Department of Energy na kaya nilnag protektahan ang kapakanan at karapatan ng sambayanan kahit walang emergency powers ng Pangulong Benigno Aquino III.

          “We have sufficient laws and mechanisms to protect the public against profiteering. We do not see the need for emergency powers," pahayag ni Undersecretary Jose Layug Jr.

          Aniya, malamang lalong magdulot ng masamang epekto ang planong pagkakaloob ng emergency power sa Pangulo dahil magkakaroon pa ito ng bahid pulitika at pagmumulan ito ng haka-haka at agam-agam ng ilang sektor lalo sa kritikal sa kasalukuyang administrasyon.

          Naunang hiniling ng DoE sa mga oil companies na magsumite ng kanilang regular na advisory hinggil sa presyo. Hinimok din ng DoE na itaas ng mga oil companies ang kanilang inventory mula 15 na araw ay gawing 30 araw para matiyak ang supply.

          Ginawa ng DoE ang pahayag matapos ang planong dapat bigyan ng emergency powers ang Pangulong Aquino par mapahalaanan nang wasto ang krisis sa Middle East lalo sa Libya.

Naunang inihayag ng DoE na walang magaganap na pagkukulang ng supply dahil tiniyak ng Oil Producing and Exporting Countries (OPEC) na kanilang dodoblehin ang kanilang produksyon. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.