Mac Cabreros

Marso 3, 2011

Pabuya para madakip ang pumatay kay Torres, itinaas

          Mula isang milyon, ginawang dalawang milyon ang pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon para madakip ang bumaril at nakapatay kay Jun Torres, political adviser ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos Jr.

          Ginawa ni Mayor Abalos ang hakbang dahil wala pang nangyayari sa kaso ni Torres gayong isang buwan na ito ngayong Marso 5.

          Bukod sa binuong Task Force Torres ng PNP, hiningi na rin ng Alkalde ang tulong ng National Bureau of Investigation.

          Nabatid na mayroon nang hawak na lead ang Eastern Police District hinggil sa kaso. Mac Cabreros






(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.