Sen. Pangilinan says RP can learn from Vietnam and practice their agricultural programs

By Jasonde Asis

 

SENATE OFFICE, Manila, October 28, 2010-The Philippines can learn from Vietnam’s proper implementation of agricultural programs to strengthen its own agricultural sector, Senator Francis "Kiko" Pangilinan, Senate Chairman of the Committee on Agriculture said.

 

Pangilinan earlier called for a roadmap to address food security in the country, adding that the difference between Vietnam and the Philippines is the effective implementation of their policy.

 

“We taught them what they know, so the technology and knowledge are already at hand. What we need is a strong solution to address agricultural issues that have been hounding us for decades," the senator said.

  

This is the time to ensure that the farmers and fisher folks of their plight addressed for centuries and provided food to survive. The right approach is to up their incomes by providing them the needed support in terms of available credit, infrastructure and facilities, research and development and access to markets for their produce.

 

“A strong partnership between government and private sector sharing a common vision of creating a robust and vibrant agriculture and fisheries economy is needed," he added.

 

He also furthered that the Aquino administration in the beginning of its six (6) year term has a golden opportunity to lay down a clear vision for agriculture and fisheries modernization.

 

Creating more job and wealth in the agriculture and fisheries sector within 15 years will develop the nation. (Jason de Asis)

 

Sen. Villar naglunsad ng scholarship program para sa mga OFW

Ni Jason de Asis

 

SENATE, Manila, Oktubre 28, 2010-Inilunsad ni Senator Manny Villar sa pakikipagtulungan ng Blas Ople Policy Center and Training Institute ang scholarship program para sa mga OFW na biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

 

Ang proyekto ay inilunsad sa Cofee Beanery sa Quezon City kung saan 20 OFW ang tinuruan kung paano maging barista at hotel housekeepers kaagapay ang Asian School of Hospitality Arts (ASHA) na may layuning bigyang kasanayan at kaalaman ang mga OFW na magagamit nila sa kanilang pagta-trabaho sa loon man o labas ng bansa kaugnay ng 'Skills Up' program.


Ayon kay Sen. Villar, 20 OFWs ang inisyal na isasailalim sa tatlong (3) buwan kurso ng hotel housekeeping at pag-aaral upang maging barista. Magkakaroon din umano ng pagkakataon ang mga iskolar na mag-on-the-job training (OJT) sa huling isang buwan at kalahati ng kanilang pag-aaral dagdag pa na makakatanggap ng bayad umano ang mga ito at posibleng tuluyang kunin bilang mga empleyado ng mga establisyemento kung saan sila nag-OJT.


Kabilang sa mga iskolar ang ilang OFW na biktima ng human trafficking sa Saudi at Malaysia na kung saan ang iba ay mga magsasaka mula sa Nueva Ecija na niloko ng mga illegal recruiters.


"Mula sa pagiging kasambahay tungo sa pagiging barista, mula sa pagiging biktima ng human trafficking tungo sa pagiging mga empleyado sa hotel. Yan ang mga pagbabagong nais nating mangyari sa mga kababayan nating OFWs na niloko at naloko ng mga sindikato," ayon kay Senator Manny Villar na kinatawan ng anak na si Camille sa naturang okasyon.


Ayon kay Sen. Villar, ang mga OFW na nagsampa na ng kaso laban sa mga nanloko at nagpahirap sa kanila ay marapat lamang na bigyan ng ayuda ng gobyerno.

 

"Ang programang ito ay pagbibigay-pugay natin sa mga OFW na patuloy na lumalaban upang makamtan nila ang hustisya laban sa mga nanloko sa kanila," ayon sa kanya. Paraan din ng senador na maipagpatuloy ang pangakong pagbiigay-tulong sa mga OFW.


Ang skills up program ay lalo pang palalawakin sa darating na mga araw. Kabilang sa mga hands on courses na nakatakdang i-alay sa mga OFW pati sa kanilang pamilya ay may kinalaman sa call center at transcription courses.

 

Samantala, ayon kay Toots Ople, president ng Blas Ople Center, inuuna muna nila ang mga OFW na biktima ng illegal recruitment at human trafficking para makalimutan ng mga ito ang sinapit na masaklap na kapalaran at makapag-bagong buhay.


Pahayag ni Ople, ang mga OFW na tinutulungan ng skills up program sa ngayon ay mga babaeng hindi nagpadala sa takot at hindi nasilaw sa salapi kapalit ng pag-atras sa mga kasong inihain nila laban sa mga taong nanloko sa kanila. Nagpapasalamat kami kay Sen. Villar at sa ASHA sa paglulunsad ng proyektong ito na malaki ang maitutulong sa mga OFW at kanilang pamilya.


Ang Skills Up program ay kabilang sa mga proyekto ni Sen. Villar para matulungan ang mga OFW. Sasailalim din sa counselling ang mga OFW bilang bahagi ng programa. Ang mga iskolar na galing pa sa mga lalawigan ay may libreng board and lodging.

 

"Nais nating maibaon nila sa limot ang kanilang mga pagdurusa at mapalitan ito ng pag-asa at muling mangarap para sa magandang bukas," pagtatapos nito. (Jason de Asis)